Gilas pool mababangasan?

PBA MVP June Mar Fajardo .
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Gilas Pilipinas pool ang posibleng hindi makasama sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa susunod na linggo.

Ito ay sina Ian Sangalang ng Magnolia at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra na may magkaibang kadahilanan.

Napaulat na tumanggi si Sangalang na lumaro sa fourth window habang nasa ilalim ng safety and health protocols si Aguilar.

Wala pang opisyal na anunsiyo ang dalawang pla­yers sa lumabas na balita.

Hindi rin makalalaro si six-time PBA MVP June Mar Fajardo dahil kasaluku­yang nasa finals ang San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup.

Dahil dito, aasahan ng Gilas Pilipinas sina Kai Sotto ng Adelaide 36ers, Raymond Almazan ng Meralco at sina collegiate standouts Carl Tamayo at Kevin Quiambao.

Maliban sa big men, nagpapagaling pa sa injury si Jio Jalalon.

Wala pang opisyal na sta­tement ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa ilang pagbabago sa Gilas pool.

Show comments