^

PSN Palaro

Chot ‘di maigigiya ang TNT sa 2 laro sa PBA Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chot �di maigigiya ang TNT sa 2 laro sa PBA Finals
Chot Reyes.
PBA Images

MANILA, Philippines — Kagaya ng kanyang unang sinabi, prayoridad ni national coach Chot Reyes ang Gilas Pilipinas kesa sa pagdedepensa ng TNT Tropang Giga laban sa San Miguel sa 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Kinumpirma kahapon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na hindi magigiyahan ni Reyes ang Tropang Giga sa dalawang laro ng kanilang title duel ng Beermen.

Hahawakan kasi ng nine-time PBA champion coach ang Gilas Pilipinas sa pagsabak sa FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers sa Agosto 25 hanggang 29.

Magtutungo ang Gilas sa Beirut para sagupain ang Lebanon sa Agosto 25 sa fourth window ng Qualifiers at maglalaro sa MOA Arena sa Pasay City katapat ang bisitang Saudi Arabia sa Agosto 29.

Nakatakda ang Game Two ng PBA Philippine Cup Finals sa Agosto 24 sa Smart Araneta Coliseum kasunod ang Game Three sa Agosto 26 sa MOA Arena at ang Game Four sa Agosto 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Kung hindi maigigiya ng 59-anyos na si Reyes ang TNT sa nasabing mga laro laban sa SMB ay pipili siya ng pansamantalang gagabay sa PLDT franchise.

Ang kanyang anak na si assistant coach Josh Reyes ay nasa Iran para sa pamamahala sa Gilas Youth team sa FIBA Under-18 Asian Championship sa Agosto 21-29.

vuukle comment

CHOT REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with