^

PSN Palaro

Beermen dumaan sa butas ng karayom

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Para makapasok sa PBA Finals

MANILA, Philippines — Aminado si San Miguel coach Leo Austria na hindi biro ang kanilang pinagdaanan para lamang makapasok sa 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Hindi na nakapaglaro si dating scoring champion Terrence Romeo matapos magkaroon ng slipped disc bukod pa sa mga injury nina Chris Ross at Vic Manuel sa eliminasyon

“Nag-struggle kami early in the tournament because of injuries,” wika ni Austria sa kanyang mga Beermen na nakuha pa rin ang No. 1 seed sa elimination round. “Nakapag No. 1 pa rin sa elims at nakalusot sa quarters at sa semis, but not yet finished.”

Nagposte ang San Miguel ng 9-2 record sa eliminasyon para maging No. 1 seed kasunod ang pagsibak sa No. 8 Blackwater sa quarterfinals at paggupo sa Meralco sa best-of-seven semifinals series.

Hahamunin ng Beermen ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa best-of-seven championship series matapos sibakin ang Meralco Bolts, 100-89, sa Game Seven ng kanilang semis showdown kamakalawa.

Umabante ang San Miguel sa ika-43 Finals stint target ang pang-28 titulo.

Ito ang unang finals appearance ng Beermen sa Philippine Cup matapos magkampeon noong 2019.

“In a tournament, hindi nakikilala ang second place,” sabi ng 64-anyos na si Austria. “We have to win the championship to be able to make a legacy.”

Magtutuos ang SMB at TNT sa ikaanim na PBA Finals at ikalawa sa Philippine Cup title series.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with