Skippers vs Stags; Saints kontra Archers

Derrick Pumaren.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Simula na ang giyera sa semis Paglalabanan ng EcoOil-La Salle at Adalem Construction-St. Clare ang 1-0 lead sa pagsisimula ng kanilang 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three semifinals duel sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang sasakyan ng Green Archers ang kanilang 72-69 paggupo sa Saints sa eliminations sa bakbakan nila sa Game One ngayong alas-11 ng tanghali.

“St. Clare is still a tough team and as much as we come in as the two-seed, we have to respect our opponents,” wika ni EcoOil-La Salle coach Derrick Puma­ren sa Adalem-St. Clare.

Sa unang laro sa alas-9 ng umaga ay pag-aagawan ng Apex Fuel-San Sebastian at Marinerong Pilipino ang 1-0 bentahe sa kanilang semifinals showdown.

Tinalo ng Skippers ang Golden Stags, 86-64, sa eliminasyon.

Show comments