^

PSN Palaro

Williams ‘di muna iniisip ang kontrata sa TNT

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Williams âdi muna iniisip ang kontrata sa TNT
Ang layup ni TNT Tropang Giga star guard Mikey Williams laban sa Phoenix.
PBA Images

MANILA, Philippines — Bagama’t hindi pa na­pa­plantsa ang detalye ng kanyang kontrata ay patuloy na ibibigay ni Mikey Williams ang lahat ng kanyang makakaya para maipanalo ang TNT Tropang Giga.

Sa nakaraang 87-72 pag­gupo ng Tropang Giga sa Phoenix Fuel Masters ay humakot si Williams ng 27 points, 7 assists, 6 re­bounds at 2 steals sa PBA Philippine Cup.

“I’m just trying to play bas­ketball. That’s my focus right now,” wika ng PBA Sea­son 46 Rookie of the Year awardee sa nangya­yaring ne­gosasyon para sa bago ni­yang kontrata.

“When it gets done, it gets done, but we’re pretty close. So I’m not really worried about that right now,” dagdag nito.

Hindi nakalaro si Williams sa unang limang la­ban ng TNT dahil sa hin­di pa napapanalisang kon­trata.

Sa kanyang debut game laban sa Rain or Shine Elasto Painters no­ong nakaraang Huwebes ay nagtala ang 30-anyos na Fil-Am guard ng 15 points sa 89-85 overtime win ng Tropang Giga.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na mahalagang bukas ang kanilang ko­munikasyon ni Williams.

“Even from the start, when we were talking, I think the critical part was we had to keep our player-coach relationship strong and differentiate that from the player-manager relationship,” ani Reyes.

Si Reyes ang umaktong interim team manager nang magbitiw si Gabby Cui bago iipinasa ang tra­ba­ho kay Jo­jo Las­timosa.

“The key with Mikey that I guess a lot of people don’t know is he’s very coa­chable. You can be very direct with him. If he makes a mistake on the court, he actually prefers that you tell him directly,” ani Reyes.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with