^

PSN Palaro

SEA Games medalists pararangalan ni Duterte

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
SEA Games medalists pararangalan ni Duterte
Pangungunahan nina Hidilyn Diaz, EJ Obiena at Caloy Yulo ang mga medalists na pararangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martes.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bilang pagpupugay sa kabayanihan at karangalan na ibinigay sa Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, ay parara­ngalan ni president Rodrigo Duterte ang lahat ng mga medalists sa magaganap na  courtesy call sa Malacañang sa Martes.

Ipinahayag ng Philippine Sports Commission ang magandang balita sa mga National Sports Associations noong Huwebes.

Ayon kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez, ang mga dadalo sa alas-6 ng gabing seremonyas ay ang mga sumungkit ng 52 ginto 70 pilak at 105 tanso medalya, coaches at isang opisyales ng bawat NSAs.

At kung susuwertihin, may posibilidad na maibigay na rin sa mismong araw ang kanilang insentibo na may kabuuang P32.4M.

Base sa nakasaad sa batas ang SEA Games gold ay nagkakahalaga ng P300,000 habang tig-P150,000 at P60,000 sa silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Maaari pang madagdagan sakaling mag-abot ng bonus ang Chief Executive.

Naibigay na kay senator Bong Go ang lahat ng pangalan ng mga nakasungkit ng medalya.

Tumapos ng fourth overall ang Pilipinas sa nasabing biennial meet.

Noong 2019, nag-overall champion ang Pilipinas sa SEA Games na ginanap sa bansa kung saan humakot ang Pinoy athletes ng 149 gold medals.

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with