^

PSN Palaro

Caloy sabak agad sa ensayo pagbalik sa Japan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Caloy sabak agad sa ensayo pagbalik sa Japan
Caloy Yulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isa hanggang dala­wang araw lang ang magi­ging break ni two-time world gymnast champion Caloy Yulo para paghandaan ang mga lalahukan pang international competitions ngayong taon.

Isa sa mga ito ay ang Asian Gymnastics Championships sa Hunyo 15-18 sa Doha, Qatar na magsisilbing qualifying tournament para sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England sa Oktubre.

“Imposible kay coach Mune (Munehiro Kugimiya) ang mahabang break,” wika ng 22-anyos na Pinoy gymnast. “Isang araw tama na.”

Limang gold at dalawang silver medals ang inangkin ni Yulo sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Dinuplika niya ang limang gintong medalyang nakuha ni gymnast Rolando Albuera noong 1979 Jakarta SEA Games.

Naghari ang Batang Maynila sa men’s floor exercise, vault, still rings, horizontal bar at individual all-around at sumegunda sa team event at parallel bars.

Sa pommel horse lamang siya nabigong makahablot ng anumang medalya.

Sa kabuuan ng kanilang kampanya sa Vietnam SEA Games ay nagposte ang national gymnastics team ng 7 golds, 4 silvers at 1 bronze kumpara sa nakamit na 3 gold, 5 silver at 4 bronze medals noong 2019 edition.

Bukod sa limang ginto ni Yulo ay nagdagdag din si Fil-Am Aleah Finnegan ng dalawa pa sa vault at women’s team event.

CALOY YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with