^

PSN Palaro

Sino ang magiging PBA Rookie Draft top pick?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaalaman na kung sino ang tatanghaling top pick overall sa pagsambulat ngayong araw ng 2022 PBA Rookie Draft sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Magsisimula ang draft sa alas-4 ng hapon.

Isa sa pinakamainit na rookie applicant si Fil-foreign Brandon Ganuelas-Rosser matapos mawala ang ilang key players sa listahan.

May 66 players na lang ang natira matapos magpasya si Justine Baltazar na magwithdraw upang maglaro sa Japan B.League habang bigo si G League player Sedrick Barefield na makakuha ng Philippine Passport.

Maliban kay Ganuelas-Rosser, inaabangan din sina Arellano star Justin Arana, Fil-Am forward Je­remiah Gray, ex-B. League player Javi Gomez de Liaño at Ateneo guard Gian Mamuyac.

Ang Blackwater ang unang pipili sa edisyong ito kung saan posibleng isa kina Ganuelas-Rosser at Arana ang hugutin nito.

Hawak din ng Blackwater ang No. 9 at No. 11 picks.

Sa Terrafirma naman ang No. 2 pick habang sa Converge ang No. 3 at No. 4 picks, sa Rain or Shine ang No. 5 at No. 10, sa NorthPort ang No. 6, sa NLEX ang No. 7 at sa Ginebra ang No. 8.

Pinakahuling pipili sa first round ang Magnolia.

Walang first round picks ang TNT at San Miguel Beer.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with