^

PSN Palaro

Fighting Maroons bagong hari ng UAAP!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Fighting Maroons bagong hari ng UAAP!
Ang UP Fighting Maroons ang bagong kampeon sa UAAP Season 84.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Tinapos ng University of the Philippines Figh­ting Maroons ang kanilang 36-taong pagkauhaw sa korona matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa overtime, 72-69, sa ‘winner-take-all’ Game Three ng UAAP Season 84 men’s basketball championship kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Hinirang na bayani si guard Joel Cagulangan na nagsalpak ng three-point shot sa natitirang segundo ng extra period para wakasan ang paghihintay ng Katipunan-based ca­gers sa inaasam na korona.

Isinara ng Fighting Maroons ang kanilang best-of-three titular showdown ng Blue Eagles sa 2-1 sa harap ng 15,000 fans na nanood sa venue.

Huling nagkampeon ang UP noong 1986 sa likod nina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano sa ilalim ni le­gendary coach Joe Lipa.

Ipinoste ng Blue Eagles ang 69-64 abante sa huling 1:47 minuto ng overtime mula sa ikalawang triple ni Gian Mamuyac kasunod ang tres ni Cagulangan at slam dunk ni Malick Diouf para itabla ang Fighting Maroons sa 69-69 sa natitirang 39.7 segundo.

Umalog ang tangkang jumper ni Dave Ildefonso sa posesyon ng Ateneo sa huling 16 segundo na nagresulta sa game-winning triple ni Cagulangan para sa UP.

Nauna nang inilista ng Fighting Maroons  ang 31-22 bentahe sa 3:22 minuto ng se­cond period mula sa tres ni Cagulangan bago naagaw ng Blue Eagles ang 59-56 bentahe sa hu­ling 56.7 segundo sa fourth quarter.

Ang triple ni CJ Cansino sa huling 47.8 segundo ang nagtulak sa Fighting Maroons sa  overtime.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with