Yap extended sa RoS

MANILA, Philippines — Binigyan ng contract renewal ng Rain or Shine si two-time MVP James Yap sa kabila ng leave of absence nito sa koponan.

Kasalukuyang naka-leave si Yap upang tutukan ang kanyang political career kung saan kandidato ito bilang councilor sa San Juan City.

Abala si Yap sa pangangampanya kaya’t nagdesis­yon itong magpahinga muna sa basketball para ma­bigyan ng atensiyon ang kanyang kandidatura.

Natapos na ang kontrata ni Yap noong Disyembre 31.

Kaya naman agad itong binigyan ng offer ng Elasto Painters.

Ayon kay Rain or Shine co-owner Raymund Yu tinanggap ni Yap ang contract extension hanggang sa matapos ang season.

May 12 taong nanatili si Yap sa Magnolia mula noong ma-draft ito ng Purefoods bilang second pick overall sa PBA Annual Rookie Draft noong 2004.

Habang nasa Purefoods franchise, nagkaroon si Yap ng pitong kam­peonato, dalawang season MVP awards at apat na Finals MVP award.

Subalit noong 2016, nagpasya ang Purefoods management na i-trade ito sa Rain or Shine kapalit ni Paul Lee.

Show comments