^

PSN Palaro

Magsayo bagong Pinoy world champ

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Magsayo bagong Pinoy world champ
Naitarak ni Magsayo ang majority decision win upang hubaran ng korona si Gary Russell Jr. at matagumpay na maagaw ang World Boxing Council (WBC) featherweight title kahapon sa Borgata Atlantic City sa New Jersey.
STAR/ File

Inagaw ang WBC title kay Russell

MANILA, Philippines — May bagong world champion ang Pilipinas sa ngalan ni Mark Magsayo.

Naitarak ni Magsayo ang majority decision win upang hubaran ng korona si Gary Russell Jr. at matagumpay na maagaw ang World Boxing Council (WBC) featherweight title kahapon sa Borgata Atlantic City sa New Jersey.

Dalawang hurado ang pumabor kay Magsayo kung saan parehong may 115-113 iskor sina Mark Consentino at Henry Grant.

Sa kabilang banda, 114-114 draw naman ang ibinigay ng ikatlong huradong si Lynne Carter.

Hindi maitago ni Magsayo ang saya at hindi rin siya makapaniwala na natupad na ang kanyang pangarap.

“My dream came true. This is my dream since I was a child. I’m so proud I’m a champion now,” ani Magsayo.

Tunay na inilabas ni Magsayo ang bagsik nito matapos kumunekta ng ilang solidong suntok sa buong panahon ng laban.

Kitang-kita ang dominasyon ni Magsayo kung saan nakapagkonekta ito ng 150 sa 543 suntok na pinakawalan nito-- malayo sa 69-of-323 ni Russell.

Naging malaking ba-lakid sa laban ni Russell ang injury na tinamo nito sa kanang balikat sa fourth round, dahilan para malimitahan ang kilos nito sa mga nala-labing rounds.

“It was a little bit of advantage for me because he was only using hand and it was an opportunity for me to follow him. He couldn’t jab me, he was only using one hand, that’s why I hurt him a lot,” ani Magsayo.

Dahil sa panalo, nananatiling malinis ang rekord ni Magsayo sa 24-0.

Nagbigay ng mainit na mensahe si eight-division world champion Manny Pacquiao sa tagumpay ni Magsayo na mapapasama na sa listahan ng mga Pinoy world champions.

“Congratulations, on your first world cham-pionship! Thank you for bringing honor to our country by becoming the latest Filipino world boxing champion. Welcome to the club,” ani Pacquiao.

Nagpasalamat din si Magsayo sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang boxing journey. “Thank you to my Filipino fans and the Filipinos here,” ani Magsayo.

MARK MAGSAYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with