2 pilak pa sa Philippine sa Asian Youth

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ng Team Philippines matapos kumana ng dalawang pilak na medalya sa 2021 Asian Youth Para Games na ginaganap sa Manama, Bahrain.

Galing ang dalawang pilak kay Linard Sultan na nakahirit ng second-place finishes sa table tennis.

Pumangalawa si Sultan sa men’s singles Class 8 at sa mixed team events.

Lumasap ng dikit na 2-3 kabiguan si Sultan kay Seyed Amirhossein Hosseinipour ng Iran sa finals para magkasya lamang sa pilak na medalya.

Nakapasok ang Pinoy netter sa finals nang pataubin nito si Lau Yoho ng Hong Kong sa semis sa bisa ng 3-0 demolis­yon.

Dahil dito, umangat na ang koleksiyon ng Team Philippines sa isang ginto, anim na pilak at dalawang tansong medalya.

Galing ang ginto kay A­riel Joseph Alegabres mula sa swimming competition.

Susubukan naman nina Ronn Russell Mitra at  Angel Otom na magdagdag ng medalya para sa Pilipinas sa pagsabak sa kani-kanyang paboritong events.

Nalampasan na ng Team Philippines ang isang tansong medal­yang nakamit nito noong 2017 edisyon ng torneo sa Dubai, United Arab Emi­rates.

Show comments