Pacquiao nasa Madame Tussauds HK na

Manny Pacquiao
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pormal nang masisila­yan ng mga boxing fans ang wax figure ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Mada­me Tussauds Hong Kong.

Isang life-sized wax figure ni Pacquiao ang inilagay kung saan nakaporma itong susuntok sa kanang kamao at dedepensa sa kaliwang kamao.

Personal pang ibinigay ni Pacquiao ang boxing shorts na ginamit sa kanyang wax figure.

“Pacman fans will be delighted to see our take on Manny Pacquiao at Madame Tussauds Hong Kong,” ani Madame Tussauds Hong Kong general manager Eric Mak.

Kuhang kuha ang mukha at pangangatawan ni Pacquiao na tila isang buhay na pigura kabilang na ang bigote at tattoo nito sa katawan.

“From the attire, the physical features and details, and even the setup, it will be like watching the bo­xing star in action,” ani Mak.

Si Pacquiao ang ika­la­wang Pinoy icon na napasama sa Madame Tussauds Hong Kong.

Una nang inilagay doon si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach.

Masaya si Pacquiao sa kinalabasan ng kanyang wax figure.

“I am amazed at the final product. It looks so much like me. I am excited for my fans to see this and get to take pictures. It’s like being together in the boxing ring,” ani Pacquiao.

Malaking karangalan ito para sa Pinoy boxing legend na mapasama sa mga kilalang personalidad sa Madame Tussauds Hong Kong.

“I’m honored to be chosen for this opportunity, and grateful to Madame Tussauds for their wonderful work on my wax figure,” ani Pacquiao.

Isinama si Pacquiao sa Madame Tussauds Hong Kong dahil sa tagumpay nito sa mundo ng boksing.

Show comments