^

PSN Palaro

PSC facilities bubuksan na sa mga national athletes

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula sa Enero 10, 2022 ay muling makakapag-ensayo ang mga national athletes sa tatlong pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ay bilang preparas­yon ng mga national teams para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre ng susunod na taon.

Ngunit nilinaw ng PSC na ilang national teams lamang muna ang kanilang papayagang makabalik sa ensayo sa mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City, Philsports Complex sa Pasig City at Baguio Training Camp sa Baguio City.

“This resumption is dependent on provision of many considerations for safety before final implementation,” wika ng sports agency sa kanilang official statement kahapon. “The agency is now evaluating viable facilities which may be used in the said training.”

Kasaukuyan pang ginagamit ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang RMSC at Philsports bilang mga COVID-19 facilities.

Tiniyak ng PSC sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kanilang pag-obserba sa health and safety protocols kapag nagsimula na ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes.

PSC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with