Philippines para dance sport team kumpiyan sa world championships

Philippine Para Dancesport team
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine para dance sport team na makakakuha rin sila ng gold medal sa mas mabigat na World Para Dance Sport Championships sa Ulsan, South Korea sa susunod na buwan.

Ito ay matapos humakot ang koponan ng pitong gold, apat na silver at walong bronze medals sa nakaraang Polish Open World Qualifying Round para makakuha ng tiket sa world championships.

“Iyong mindset namin noong nandoon kami sa Poland, world championships talaga. Kaya mas pagbubutihin pa namin ang preparation namin ngayon,” ani national head coach Genice Bong Marquez kahapon sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Nakatakda ang world championships sa South Korea sa Nobyembre 26 hanggang 28.

Binanderahan nina two-time world champion pair Julius Obero at Rhea Marquez ang kampanya ng Pinas sa nasabing world qualifying sa Poland.

Ang iba pang miyembro ng tropa ay sina Anne Charlaine Santos at Jed Villaruel, Edelyn de Asis at Shaquille Hanz Basan, Jhona Peña at Filemon Baguio II, Jhona Peña at Joey Maglasang at Jhistine Gylde Baguio at Christian Apolinario.

Show comments