Pirma na lang nina Harden, Irving ang hinihintay ng Nets

James Harden
CATO CATALDO / NBAE / GETTY IMAGES / GETTY IMAGES VIA AFP

NEW YORK , Philippines — Ang pirma na lamang nina super­stars James Harden at Kyrie Irving para sa contract extension ang kaila­ngan ng Brooklyn Nets para makumpleto ang kanilang tropa.

“We’ve had very positive conversations with both of those guys,” ani Nets ge­neral manager Sean Marks kina Harden at Irving.

Idinagdag ni Marks na halos payag na sina Harden at Irving sa termino ng kanilang mga long-term deals kung saan maaari silang maglaro para sa Brooklyn sa susunod na tatlo at apat na seasons, ayon sa pagkakasunod.

Kasama nina Harden at Irving sa “big three” ng Nets si Kevin Durant.

Dahil nagkaroon ng magkakahiwalay na injury ang tatlo ay nabigo ang Brooklyn sa Milwaukee Bucks sa kanilang Eastern Conference semifinals series sa nakaraang season.

Show comments