Garcia nakaabang pa rin kay Pacquiao

MANILA, Philippines — Tiwala si Mikey Garcia na mabibigyan pa rin ito ng pagkakataon na makasagupa si People’s Champion Manny Pacquiao bago man lang magretiro ang Pinoy champion.

Alam naman ni Garcia na daraan sa butas ng karayom bago makuha ang laban dahil wala sa kanyang palad ang pinal na desisyon.

Nakasalalay ito sa kamay ni Pacquiao.

“I don’t know if he’s going to fight or not. Things change every week. He seems like he’s going to think about it. It’s not up to me. It’s up to him to figure out if he’s going to be figh­ting or not,” ani Garcia sa panayam ng FightHype.

Gayunpaman, handa si Garcia na maghintay.

Alam nito na abalang-abala si Pacquiao sa kanyang political career lalo pa’t nagdesisyon itong tumakbo bilang pangulo sa 2022 National Election.

“As I said, he’s probably considering contemplating the future. A lot of things were going through his mind at the moment. So let him take a break, take some time off, and rest a bit. Then he’ll be able to give a more clear answer on his future,” ani Garcia.

Napanood ni Garcia ang laban ni Pacquiao kontra kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas noong Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

Para kay Garcia, ma­laki na ang ipinagbago sa galaw ni Pacquiao.

Hindi na ito tulad ng dati na mas mabilis at eksplosibo.

“He didn’t have the footwork that he used to. He didn’t have the explosiveness, the quickness to jump in and out. And he acknow­ledged that he felt cramps in his legs. He fought a good fight, but it wasn’t the Manny that we’ve seen in the past,” ani Garcia.

Malayo ito sa dating mabagsik na Pacquiao.

“I think Manny is star­ting to realize that his body is starting to show signs of age,” ani Garcia.

Sa ngayon, ikinakasa na muna ang laban ni Garcia kay Sandor Martin.

Show comments