_ngayon
^

PSN Palaro

Pamaypay ni Pagdanganan kinagiliwan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pamaypay ni Pagdanganan kinagiliwan
Bianca Pagdanganan
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kung medyas ang agaw-atensiyon kay pole vaulter EJ Obiena, pamaypay naman ang pumukaw ng atensiyon sa panig ni golfer Bianca Pagdanganan sa kampanya nito sa Tokyo Olympics.

Mainit ang panahon ngayon sa Tokyo kung saan ilang caddies na ang bumagsak dahil sa tindi ng init.

Kabilang dito ang caddie ni Pagdanganan na si Carito Villaroman at ang caddie ni Yuka Saso na si Lionel Matichuck.

Kaya naman kani-kanyang paraan ang mga players para maibsan ang init sa Kasimugaseki Golf Club sa Saitama.

At isa si Pagdanganan sa mga nakakuha ng a­tensiyon dahil sa kanyang dalang pamaypay na may bandila ng Pilipinas na nakapinta rito.

Kalakip nito ang ice pack para magbigay ng pandandaliang ginhawa.

“Mainit talaga dito,” ani Pagdanganan.

Hindi naman hinaha­yaan ni Pagdanganan na makaapekto sa kanyang performance ang init ng panahon.

Nauna nang pinag-u­sapan sa social media ang medyas ni Obiena na may disenyong SpongeBob sa laban nito sa men’s pole vault competition.

Ginagawa ito ni Obiena upang paalalahanan ang kanyang sarili na mag-enjoy lamang sa bawat kumpetisyong nilalahukan nito.

BIANCA PAGDANGANAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with