^

PSN Palaro

Mini bubble balak ng PBA sa Lipa City

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mini bubble balak ng PBA sa Lipa City
PBA Commissioner Willie Marcial
Wikipedia.org

MANILA, Philippines — Ang pagkakaroon ng isang mini bubble sa Lipa City, Batangas ang opsyon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa oras na ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) simula bukas.

Noong Martes ay inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial angpansamantalang pagsususpinde sa mga laro ng 2021 Philippine Cup dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 Delta variant sa Metro Manila.

Ang NCR ay isasai­lalim sa ECQ simula bukas hanggang Agosto 20.

Sinulatan na ng PBA ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF EID) at ang Department of Health (DOH) para sa kanilang request na ilipat ang mga laro sa Lipa City, Batangas.

Sumulat na rin si Marcial sa mga local officials ng Lipa City kung puwede silang maglaro sa ilalim ng closed-circuit format.

Ginagamit ng liga sa Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ang closed-circuit system o home-gym-home.

Sa pinaplanong mini-bubble arrangement sa Lipa City ay sasagutin ng 12 koponan ang kanilang sariling accomodation sa mga lugar lamang sa Batangas na malapit sa venue ng mga laro.

Nagawa na ito ng mga tropang sumalang sa preseason scrimmages sa Batangas City nang isailalim ang NCR sa GCQ.

Kailangan ding maplantsa ng PBA ang pakikipagtulungan at permiso sa Local Government Unit (LGU) ng Batangas sakaling makakuha ng ‘go signal’ sa IATF-EID at DOH.

Ilang beses nagkaroon ng re-scheduling ang liga dahil sa pagsailalim sa health and safety protocols ng ilang players ng TNT Tropang Giga, Terrafirma, Phoenix at Blackwater.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with