^

PSN Palaro

Roque: 'Fake news' na nagpasalamat kami sa Tsina nang manalo si Hidilyn Diaz

Pilipino Star Ngayon
Roque: 'Fake news' na nagpasalamat kami sa Tsina nang manalo si Hidilyn Diaz
Litrato nina Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) at Chinese President Xi Jinping (kanan)
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Malacañang ang mga usap-usapang tumatanaw ng utang na loob ang Pilipinas sa Tsina matapos masungkit ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz ang unang ginto ng bansa sa Olympics nitong Lunes.

Sa kumakalat na social media card daw kasi online, nag-"thank you" si presidential spokesperson Harry Roque sa Tsina dahil sa Chinese coach ni Hidilyn na si Gao Kaiwen — kahit na hindi naman daw ito nangyari.

Ito ang ipinaskil ni Roque sa kanyang Facebook page, Biyernes, kung saan makikitang pinagkukumpara niya ang pekeng talampuati niya nitong Martes sa totoo.

"We have to thank China and Pres. Duterte for the Olympic gold. Chinese po ang coach ni Hidilyn. Kumbaga kung wala ang China at wala si Tatay Digong, wala ding gold na makukuha ni Hidilyn," sabi sa kumakalat na social card na ina-attribute kay Roque.

"Kaya thankful tayo dapat sa China at kay Pres. Duterte."

Ani Roque, hindi 'yan ang totoo niyang sinabi kundi ang sumusunod noong ika-27 ng Hulyo:

"Congratulations, Hidilyn Diaz! Congratulations sa lahat ng kaniyang mga trainers and coaches! Congratulations sa kaniyang mga kababayan diyan sa Zamboanga City! And congratulations, Philippines, dahil talaga namang ang istorya po ni Hidilyn ay istorya ng mga ordinaryong mamamayan nagkaroon ng pangarap, nagpursige at nagtagumpay."

Huwebes lang nang mag-viral ang coach ni Hidilyn matapos isiwalat ng Pinay gold medalist na nagalit ang Chinese weightlifting team dahil sa hindi pagtitimbre sa kanila kung gaano na nga ba talaga kalakas si Diaz.

"Hindi makapaniwala ang China na ganito na ako kalakas, then siyempre si Coach din, hindi niya na-share sa China. Medyo nagalit kasi ang China din sa kanya kasi hindi niya na-share kung saan na yung lakas ko," ani Diaz kahapon sa panayam ng ANC.

"Siyempre... ‘bakit niya ishe-share?’ Nandito kasi siya para mag-work, to work for me para palakasin ako. So, siyempre mixed feelings ‘yun sa atin kasi nga dahil sa political, international [issue]... 'yung [West Philippine] sea natin. Walang giyera, pero nai-representa ko ang Pilipinas, natalo ko ang China."

Matatandaang Chinese din ang pinakamatinding nakalaban ni Hidilyn sa women's 55kg event nitong Lunes na si Quiyun Liao. — James Relativo

vuukle comment

2021 TOKYO OLYMPICS

CHINA

HARRY ROQUE

HIDILYN DIAZ

WEIGHTLIFTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with