^

PSN Palaro

Hidilyn Diaz libre sakay sa LRT-1 for life, kahit may premyo nang sasakyan

Philstar.com
Hidilyn Diaz libre sakay sa LRT-1 for life, kahit may premyo nang sasakyan
Litrato ni Filipina Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz (kaliwa) at kuha ng tren ng LRT-1
Chris Graythen/Pool/AFP; Interaksyon/Bernard Testa

MANILA, Philippines — Habampanahon nang makakasakay nang walang bayad sa isang linya ng tren ang weightlifting queen na si Hidilyn Diaz, matapos magdala ng karangalan kamakailan sa bansa.

Milyun-milyong piso, bahay, lupa, atbp. ang naging papremyo kay Diaz ng gobyerno at pribadong sektor matapos maiuwi ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2021 Tokyo Olympics noong Lunes.

Madadagdagan pa siya ng ngayon ng pribilehiyo, sa pagkakataong ito mula sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

"The road to excellence was not easy. But you stayed on track and trained hard to win our first Olympic gold! Mabuhay at maraming salamat! Kasama mo kami sa iyong pagbiyahe," ayon sa Light Rail Manila Corporation, Martes.

"Bilang pagkilala sa iyong tagumpay, sagot na namin ang #LRT1 rides mo Hidilyn Diaz, for life!"

 

 

Ang tanong: Mapapakinabangan pa kaya niya 'yan ngayong binigyan din ang atleta ng 13-seater van ng Foton at life-time supply ng gasolina mula Phoenix Petroleum?

Time will tell na lang siguro.

Kanina lang nang dagdagan ng P5 milyon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang papremyo kay Hidilyn matapos ang kanyang record-setting performance sa Japan.

Dalawa ang na-set na Olympic records ni Diaz, ang 127kg sa clean and jerk at total life na 224kg.

Kailangan ng batas para walang tax sa atleta

Aabot na sa P20.5 milyon ang makukuha ni Hidilyn mula sa gobyerno pa lang: P15 milyon mula sa PSC sa pamamagitan ng incentives law, P2.5 milyon mula sa hometown niya sa Zamboanga at P3 milyon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero iba pa 'yan sa tig-P10 milyong makukuha niya mula sa mga negosyanteng sina Manny V. Pangilinan at Ramon Ang.

Sa kabila nito, pwede itong i-tax ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Exempted lang dito ang perang makukuha niya mula sa gobyerno dahil sa Tax Code sa prizes at awards sa sports competition.

Pero isasailalim pa rin sa 6% donor's tax ang mga regalo ng negosyante kay Diaz, pero bagay na babayaran naman daw ng mga donor.

Kaugnay niyan, inihain ni Rep. Joey Salceda (Albay 2nd District) ang House Bill 9891 para ipwera sa buwis ang mga donasyong pera at premyo ng mga atleta't mga coaches nila.

Plano namang magpasa ng Senado ng resolusyon para himukin ang BIR na i-exempt sa tax ang Olympic winnings ni Diaz. — James Relativo

vuukle comment

2021 TOKYO OLYMPICS

HIDILYN DIAZ

LRT-1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with