_ngayon
^

PSN Palaro

Diaz puntirya ang unang Olympic gold ng Pinas

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

TOKYO - Para sa kanyang posibleng pinakahuling Olympic appearance ay walang ibang hangad si weightlifter Hidilyn Diaz kundi ang mabuhat ang gold medal.

Target ni Diaz na maduplika ang kanyang silver-medal finish noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil o tuluyan nang buhatin ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa.

Sasalang ang 30-anyos na tubong Zamboanga City ngayong alas-7:30 ng gabi sa Tokyo International Forum.

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na ipinangako sa kanya ng Team Diaz ang isang ‘show’.

“You can expect Hidilyn to lift weights that you’ve never seen before. She’s on track. She’s going to put on a show,” wika ni Julius Naranjo, ang strength and conditioning coach ni Diaz.

Idinagdag ni Naranjo na bumubuhat si Diaz ng mga bagong personal marks na isang magandang senyales.

Ang tanong na lamang ay kung magiging sapat ang magiging performance ni Diaz para makuha ang Olympic gold sa mabigat na kompetisyon na kinabibilangan ni world record holder Liao Qiuyun ng China.

Nasa grupo rin sina Kristina Shermetova (Turkmenis­tan), Ana Gabriela Lopez Ferrer (Mexico), Ham Eunji (Korea), Muattar Nabieva (Uzbekistan), Nouha Landoulsi (Tunisia), Zulfiya Chinshanlo (Kazakhstan) at Kamila Konotop (Ukraine).

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with