San Beda naka-2 ginto na sa NCAA
MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ng San Beda University nang angkinin nito ang second gold medal sa NCAA Season 96 poomsae competitions na ginaganap via online.
Sa pagkakataong ito, nagpasiklab naman si Michael Christian Macario na nangibabaw sa men’s freestyle event matapos makalikom ng 7.033 puntos.
Naungusan ni Macario si Mikko Jeremi Bataoil ng Jose Rizal University na may malayong 6.367 puntos para magkasya sa pilak at Justin Carl Dominic Nacua ng College of Saint Benilde na nakatanso tangan ang 5.600 puntos.
Nauna nang nakahirit ng ginto para sa Red Lions si Alfritz Arevalo sa men’s standard poomsae event.
Wagi naman ng ginto sa women’s freestyle si Krizelle Therese Yadao ng Benilde na nagrehistro ng 6.900 puntos para ungusan si silver medalist Shyenler Emelo Cedo ng Jose Rizal (6.167).
Sa juniors, naghari si John Mcleary Ornido ng Emilio Aguinaldo College sa boys’ freestyle makaraang magtala ito ng 6.800 puntos habang pumangalawa lamang si Raphael Ongkiko ng Benilde na may 6.700 puntos.
- Latest