^

PSN Palaro

PBA training bawal pa rin sa NCR plus

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal pa rin ang training at scrimmages ng PBA teams sa NCR plus bubble na nasa general community quarantine (GCQ) with restrictions na mananatili hanggang sa Hunyo 30.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, walang pagbabago sa patakaran ng liga sa pagpapatupad ng health protocols ng mga nagsasanay na PBA teams.

Mananatili ang mga teams sa kani-kanyang training camps sa labas ng NCR plus bubble.

Tanging non-contact sports lamang ang pinapayagan sa NCR plus bubble.

Kaya naman walang magawa ang mga teams kundi ang ipagpatuloy ang ensayo sa Batangas, Ilocos Norte at Pampanga.

Dahil mananatili sa GCQ with restrictions ang NCR plus bubble, huma­hanap na ng bagong solusyon at plano ang PBA management para masimulan na ang season.

Orihinal sanang target ng liga na maumpisahan ang Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 25.

Sa Ynares Sports Complex sa Antipolo at Ynares Center sa Pasig sana ang dalawang pinagpipiliang venus.

Subalit posibleng maurong na naman ito dahil sa restrictions sa NCR plus bubble.

Sa ngayon, abala ang PBA sa pagsuporta sa hosting ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa ginaganap na FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

vuukle comment

GCQ

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with