_ngayon
^

PBA teams dumiskarte sa training camp

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kani-kanyang diskarte ang PBA teams sa kanilang training camp sa iba’t ibang lugar sa labas ng NCR plus bubble.

Nagsasanay ang Phoenix Fuel Masters sa Batangas City na aabot sa tatlo hanggang apat na oras ang biyahe mula sa Maynila.

Kaya naman gumawa ng paraan ang ilang pla­yers at coaches kung saan nagrenta ang mga ito ng bahay na malapit sa t­raining venue.

Magandang solusyon ito upang hindi na mapagod pa sa biyahe ang mga players na sumasailalim sa twice a day practice.

“The players rented houses for a week to save on travelling since two times ang practice nila a day,” ani Fuel Masters team manager Paolo Bugia.

Matinding health protocols pa rin ang ipinatutupad ng Fuel Masters.

Limitado ang galaw ng lahat kung saan maliban sa training venue, tanging sa mga nirerentahang bahay lamang sila maaaring magpunta.

Para sa Fuel Masters management, magandang pagkakataon na rin ito para mas mabuo ng solido ang chemistry ng mga players sa loob at labas ng court.

Maliban sa Batangas City, ginagamit din ang Laoag, Ilocos Norte; Clark, Pampanga; at Tagaytay sa training camp ng ibang teams.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with