Ravena tuloy sa Japan B.League

Kiefer Ravena
Fiba.com

MANILA, Philippines — Tuluy na tuloy na si Kiefer Ravena sa Shiga Lakestars para sa 2021-2022 season ng Japan B.League.

Ito ay matapos maglabas ng statement si Ravena na tila nagkasundo na ang lahat ng kampo para sa kanyang kauna-unahang stint sa Japan.

Sa pahayag ni Ravena, nagpasalamat ito sa pamu­nuan ng NLEX Road Warriors na naging tahanan nito sa loob ng tatlong taon.

Kabilang sa mga pinasalamatan nito si businessman Manny V. Pangilinan na siyang team owner ng Road Warriors gayundin si head coach Yeng Guiao.

“The support you have given me all throughout my stay has given me nothing but joy and great memories. Our dream of winning a championship will always be there. I am and will always be proud of this family,” ani Ravena.

Inihayag pa ni Ra­vena sa statement nito na may basbas at suporta ng pamunuan ng Road Warriors ang kanyang naging desisyon.

“Thank you for giving me your blessing and backing me in this next stage of my career,” ani Ravena.

Tiniyak din ng dating A­teneo de Manila University standout na mananatili ang commitment nito sa Gilas Pilipinas program.

“To Boss Al Panlilio and SBP, I appreciate the support from the start. I would like to give my assurance that I remain fully committed to the Gilas program,” dagdag ni Ravena.

Binanggit din ni Ravena ang PBA at Board of Go­vernors sa suporta nito sa kanya ngunit hindi naging malinaw kung aprubado na ng liga ang pagpasok nito sa Japan B.League.

“To the PBA and the Board of Governors, thank you for always supporting me. I will forever be grateful for the opportunity you have given us athletes,” ani Ravena.

Wala pang linaw kung kailan tutulak pa-Japan si Ravena para simulan ang training nito.

Show comments