_ngayon
^

Suspensyon sa Minda Leg ng VisMin Cup binawi ng GAB

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng Mindanao Leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup matapos bawiin ng Games and Amusements Board (GAB) ang suspensyong ipinataw nito.

Inihayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang magandang balita sa pamunuan ng VisMin Super Cup, team owners at kinatawan ng mga sponsors.

Matatandaang sinuspinde ng GAB ang Mindanao Leg ng torneo nang pumutok ang kontrobesiyal na laro sa pagitan ng ARQ Builders-Lapu Lapu City at Siquijor Mystique sa Visayas Leg noong Abril.

Ngunit dahil sa magandang pagtatapos ng Visayas Leg, agad namang binawi ng GAB ang suspensyon.

Sa pagdaraos ng Mindanao Leg, muling magbabantay ang GAB para masiguro na natutupad ang lahat ng patakarang inilatag ng ahensiya hindi lamang sa health protocols maging sa posibleng game-fixing.

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with