^

Jovelyn Gonzaga magpapaubaya sa iba

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpasya si dating national women’s volleyball team skipper Jovelyn Gonzaga na ipaubaya ang kanyang slot sa indoor volleyball sa gaganaping  national tryout sa Abril 28 hanggang 30 sa Subic.

Ibinahagi ni Gonzaga ang saloobin nito sa kanyang social media account kung saan namaalam na ito sa paglalaro sa indoor volleyball.

“Thank you indoor volleyball. That was a great journey with you,” ani Gonzaga sa kanyang Instagram story na kalakip ang larawan ng imbitasyon mula sa Philippine National Volleyball Federation.

Nais ni Gonzaga na ibigay ang kanyang slot sa indoor volleyball sa mas karapat-dapat.

Kasama ni Gonzaga sa mga kandidato sa opposite hitter position sina Mylene Paat at Dindin Santiago-Manabat ng Chery Tiggo, MJ Philips ng Sta. Lucia, Kim Kianna Dy ng F2 Logistics at ang collegiate standouts na sina Eya Laure ng UST, Alyssa Solomon ng NU at Alleliah Malaluan ng La Salle.

Ngunit hindi ibig-sabihin nito ay mawawala na sa national team si Gonzaga dahil tututok na ito sa beach volleyball event kung saan ito mas nakilala.

“For now it’s time time for me to take a new route,” ani Gonzaga.

Inimbitahan din si Gonzaga sa beach volleyball team kasama sina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dzi Gervacio at Dij Rodriguez.

Malalim din ang karanasan ni Gonzaga sa beach volleyball.

Makailang ulit na nagkampeon si Gonzaga sa kilalang Nestea Beach Volleyball Collegiate Championship noong naglalaro pa ito para sa Central Philippines University gayundin sa Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge noong 2016 kasama si Nerissa Bautista bitbit ang pangalan ng RC Cola-Army Troopers.

Nagpasalamat naman si Creamline team captain Alyssa Valdez kay Gonzaga na makailang ulit din nitong nakasama sa national team sa iba’t ibang international competitions. “It was an honor to share the court with you, idol,” ani Valdez sa Twitter.

SUBIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with