^
PSC gustong i-lockdown ang RMSC at Philsports
Sumulat ang PSC ng request sa Office of the President para sa pagla-lock down ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Arena sa Pasig City.
STAR/Edd Gumban

PSC gustong i-lockdown ang RMSC at Philsports

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

Mga empleyado nagpositibo

MANILA, Philippines — Kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga ahensya ng gobyerno na apektado ng lumolobong kaso ng nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sumulat ang PSC ng request sa Office of the President para sa pagla-lock down ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Mula sa 18 ay umakyat sa 42 ang active cases sa hanay ng mga empleyado ng sports agency.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 85 na tanging ang Office of the President ang maaaring magbigay ng clearance para sa pagpapasara ng isang government facility sa sandaling lumobo ang mga COVID-19 cases.

Ang RMSC at Philsports Complex ay nagsisilbing quarantine facility ng mga COVID-19 positive.

Sina PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at iba pang Commissioners ay kasalukuyang nakatira at nagta-trabaho sa Philsports Complex.

Kasalukuyang abala ang komisyon sa paghahanda ng mga national athletes na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam

Nakatakda ang Tok­yo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 habang sa Nobyembre 12 hanggang Disyembre 2  naman idaraos ang Vietnam SEA Games.

Plano ng PSC na makipag-usap sa mga Local Government Units (LGUs) para sa ‘bubble’ training ng mga national athletes.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with