^

PSN Palaro

Saso PSA Athlete of the Year

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Saso PSA Athlete of the Year
Yuka Saso
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagawa ni Asian Games champion Yuka Saso na magning­ning upang tanghaling PSA Athlete of the Year para sa taong 2020.

Dalawang korona ang nasungkit ni Saso sa Japan LPGA habang pumang-13 ito sa prestihiyosong US Open para bigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nito na magdiwang.

Namayagpag ang 19-anyos Pinay golfer sa dalawang sunod na torneo sa Japan — ang NEC Karuizawa Championship at Nitori Ladies Golf Tournament.

Bago matapos ang taon, nakipagsabayan ito sa pinakamahuhusay na women’s golfers sa mundo sa US Open na pinagreynahan naman ni South Korean Kim A-Lim.

Kasalukuyang nasa ika-45 puwesto si Saso sa world ranking.

Sa kanyang rookie season, nakalikom agad si Saso ng tumataginting na P50 milyong premyo sa iba’t ibang international tournaments na nilahukan nito.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatanghaling Athlete of the Year si Saso.

Una na noong 2018 nang maging co-Athlete of the Year ito kasama sina golfers Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go, at weightlifer Hidilyn Diaz.

Makakasama ni Saso sa mga pararangalan ang iba’t ibang atleta at sports personalities na nagpakitang-gilas din sa nakalipas na taon.

Idaraos ang PSA A­nnual Awards Night sa Marso 27 sa TV5 Media Center.

Maliban sa Athlete of the Year, igagawad din ng PSA ang Executive of the Year, President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year, Lifetime Achievement Award, major award, citation at iba pang recognitions.

vuukle comment

YUKA SASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with