^

Obiena kumpiyansa sa tsansa sa Olympic gold

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang lumalapit ang mga araw para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan ay pataas nang pataas ang kumpiyansa ni national pole vaulter Ernest John Obiena.

“I think that I have the best chances than all that I have had all throughout the years,” sabi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa kanyang pagtarget sa kauna-una­hang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Bukod kay Obiena, ang tatlo pang Pinoy athletes na mayroon nang tiket para sa 2021 Olympics ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics, idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, ay ilang malala­king pole vault competitions ang sinabakan ng 6-foot-2 na si Obiena.

Nilundag ni Obiena ang gold medal sa Interna­tionales Stadionfest Indoors sa Berlin, Germany mula sa kanyang 5.80-metro para ilista ang bagong Philippine indoor record.

Sinikwat din ng 25-an­yos na pole vaulter ang gintong medalya sa PSD Bank Indoor Meeting mula sa kanyang 5.65m sa Dortmund sa Germany.

Matapos talunin ang gold medal noong 2019 SEA Games ay dumiretso si Obiena sa Italy para sa kanyang training camp at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ng bansa.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with