^
Diaz pinaghahandaan na ang kanyang huling qualifying
Hidilyn Diaz
File

Diaz pinaghahandaan na ang kanyang huling qualifying

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang kanyang body weight ang tinitingnan ngayon ni national weightlifter Hidilyn Diaz sa kanyang paglahok sa ikaanim na qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ang pagsali niya sa Asian weightlifting championships sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 16-25 ang inaasahang magpopormalisa sa kanyang pagsabak sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“Kailangan ko lang kunin iyong body weight ko, kailangan ko lang makapag-perform nang maayos,” wika kahapon ng tubong Zamboanga City sa pa­nayam ng Kick-Start Coffee Brewed Awake­ning mula sa Malacca, Malaysia.

Sa Olympic qualifying ratings process ng IWF ay dapat lumahok ang mga Olympic aspirants sa anim na IWF-sanctioned competitions para makasikwat ng tiket sa quadrennial event.

“Number two na ako sa rankings kasi isa lang ang maglalaro sa mga Chinese. Kailangan ko lang maglaro ng isa pa (Olympic quali­fying) para maka-qualify ako kasi lima pa lang iyong nalaruan ko,” sabi ng 2016 Rio De Janeiro Olympics silver medalist.

Nakapuwesto ang 30-anyos na si Diaz, isang taon nang namamalagi sa Malaysia matapos ma-stranded dahil sa coronavirus disease (COVID-19), sa No. 5 sa IIWF) women’s 55-kilogram rankings sa ilalim nina Chinese Jiang Huihua, Liao Qiuyun, Zhang Wanqiong at Li Jayun.

Hangad ni Diaz sa kanyang ikaapat na Olympic stint matapos noong 2008 (Beijing), 2012 (London) at 2016 (Rio de Janeiro, Brazil), na masikwat ang ginto sa kanyang division.

Binuhat ni Diaz ang ginto noong 2019 30th Southeast Asian Games.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with