_ngayon
^
Harden ipinoste ang ika-6 na triple-double
Bumato ng tres si Nets star James Harden sa harapan ni Kings guard Buddy Hield sa first quarter sa aksyong ito.
STAR/File

Harden ipinoste ang ika-6 na triple-double

(Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Sa panalo ng Nets vs Kings

NEW YORK — Ipinoste ni James Harden ang kanyang ikaanim na triple-double para pamunuan ang Brooklyn Nets sa 127-118 paggiba sa Sacramento Kings.

Tumapos si Harden na may 29 points, 11 rebounds at 14 assists habang humugot si Bruce Brown ng 13 sa kanyang 29 markers sa fourth quarter para sa Nets (21-12).

Sa Los Angeles, kumamada si Kawhi Leonard ng 32 points para akayin ang Clippers (23-10) sa 135-116 paggiba sa Washington at wakasan ang season-high five-game winning streak ng Wizards (11-18).

Sa Milwaukee, kumolekta si Giannis Antetokoumpo ng 37 points, 8 rebounds at 8 assists sa 139-112 tagum­pay ng Bucks (19-13) sa Minnesota Timberwolves (7-25).

Sa New York, kumamada si Stephen Curry ng 37 points para igiya ang Golden State Warriors (17-15) sa 114-106 panalo sa New York Knicks (15-17).

Sa Tampa, tumipa si Tobias Harris ng 23 points, 7 boards at 5 assists para pamunuan ang Philadelphia 76ers (21-11) sa 109-102 paggapi sa Toronto Raptors (16-16).

Sa Cleveland, isinalpak ni rookie forward Lamar Stevens ang isang dunk sa huling 4.1 segundo para tulungan ang Cavaliers (11-21) na agawin ang 112-111 panalo sa Atlanta Hawks (13-18) at tapusin ang kanilang 10-game losing slump.

JAMES HARDEN KINGS NETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with