^

Gilas pool tuloy lang sa training!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kanselasyon ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sana sa Clark, Pampanga, tuloy ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, naghihintay pa ang asosasyon ng pinal na desisyon mula sa FIBA.

Wala pang linaw kung matutuloy ang third window na lalaruin sa Pebrero 18 hanggang 22 sa ibang venue o tuluyan na itong ililipat sa ibang petsa.

Kaya naman habang naghihintay, tuluy-tuloy lang ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa Calambubble para masiguro na handang-handa ang koponan anuman ang mangyari.

“At this point, we continue practicing. The February window can still happen. We’re waiting for FIBA, in the next few days or next week, to give us an indication of what’s going to happen,” ani Panlilio.

Nagdesisyon ang SBP na kanselahin ang hosting ng bansa ng third window sa isang bubble setup sa Clark dahil sa ipinatutupad na travel restriction ng gobyerno.

Naglatag ng matinding travel ban ang gobyerno dahil sa bagong strain ng coronavirus disease (COVID-19) na mas malakas at mabilis na kumakalat.

Kaya naman walang magawa ang SBP kundi ang kanselahin na lamang ang hosting dahil sa travel ban.

Nakikipagtulungan ang SBP sa FIBA upang maplantsa ang lahat partikular na ang bagong venue ng qualifiers.

“We are hopeful that we can find a solution. FIBA is doing its best to look for another location where we could play the games,” ani SBP special assistant to the president Ryan Gregorio.

Tiwala ang SBP sa kakayahan ng FIBA kaya’t naniniwala itong mabilis na masosolusyunan ang lahat.

“FIBA and the entire international basketball community as a whole have been heavily impacted by the effects of the pandemic but we’re all working to find ways to push through with the games,” ani Gregorio.

Nakatakda sanang dumating sa Pilipinas ang mga Group A teams na South Korea, Thailand at Indonesia gayundin ang Group C squads na Austraia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with