^

PSN Palaro

ADMU suportado ang seniors na gustong mag-pro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang balak ang Ateneo de Manila University na hadlangan ang mga senior players nito na nagnanais pumasok sa professional leagues sa basketball at volleyball.

Ito ang parehong inihayag nina men’s basketball head coach Tab Baldwin at women’s volleyball head coach Oliver Almadro kung saan parehong susuportahan ng dalawa ang sinumang players nito na magpapasyang mag-pro.

Nakansela ang UAAP Season 83 habang tentative pa lamang ang pagbubukas ng UAAP Season 84 dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Dahil dito, ilang senior players na ang na-extend ang kanilang pananatili sa unibersidad.

Kaya naman hindi hahadlangan ng Ateneo ang sinumang gusto nang mag-pro.

“I would never stand in a player’s way about his career,” ani Baldwin.

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players na graduate na, malalim pa rin ang lineup ng Blue Eagles dahil nananatili sa koponan ang ilang matitikas na players at bagong recruits.

Nasa Blue Eagles pa si Ivorian Angelo Kouame habang papasok pa si Gilas Pilipinas standout Dwight Ramos na mala-pro na ang paglalaro.

Sa kabilang banda, wala pang pinal na desisyon si Lady Eagles opposite hitter Kat Tolentino kung lalaro pa ito sa kanyang final year o magpo-pro na.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with