^
PBA players naghahanda na sa pagpasok sa âCalambubbleâ
Kinukundisyon na ng mga players ang kanilang sarili sa panibagong bubble na papasukan nito matapos dumaan sa Clark bubble noong nakaraang taon para tapusin ang PBA Season 45 Philippine Cup.
PBA image

PBA players naghahanda na sa pagpasok sa ’Calambubble’

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang mga PBA players na papasok sa bubble para sa trai­ning camp ng Gilas Pilipinas pool sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna.

Kinukundisyon na ng mga players ang kanilang sarili sa panibagong bubble na papasukan nito matapos dumaan sa Clark bubble noong nakaraang taon para tapusin ang PBA Season 45 Philippine Cup.

Maugong ang pangalan nina Troy Rosario, Roger Pogoy at Bobby Ray Parks. Jr. ng Talk ’N Text sa mga posibleng pumasok gayundin sina Stanley Pringle ng Barangay Ginebra at Matthew Wright ng Phoenix.

Ngunit wala pang pormal na listahan na inilalabas ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kung sinu-sinong PBA players ang nagkumpirma na.

Nakaabang na rin ang coaching staff sa pagpasok ng PBA players kung saan nakahanda na rin ang prog­rama ni SBP program director Tab Baldwin para sa Gilas pool.

“We will do whatever we can to build a strong team for the third window. We are all excited,” ani Baldwin na makakasama sa bubble sina coaching staff members Jong Uichico, Boyet Fernandez, Norman Black, Sandy Arespacochaga at Caloy Garcia.

Kasalukuyang nasa Calamba bubble na ang ilang miyembro ng pool kabilang na ang Gilas Cadets at si team captain Kiefer Ra­vena. Nakatakda namang pumasok sa bubble ang nagkumpirmang PBA players sa Enero 22.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with