^

Ginebra at TNT players magkalaban pa rin para sa BPC award

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maski sa Best Player of the Conference award ay magkaribal ang Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga.

Tatlong players ng Gin Kings ang napabilang sa Top 10 para sa BPC  trophy habang may dalawa ang Tropang Giga sa nakaraang 2020 PBA Philippine Cup na ginawa sa ‘bubble’ sa Clark, Pampanga.

Tumapos si guard Stanley Pringle na may 34.8 Statistical Points average para upuan ang No. 6 spot nasa No. 8 at No. 9 sina f­lying forward Japeth Aguilar (32.9 SPs) at guard Scottie Thompson (32.8 SPs), ayon sa pagkakasunod.

Nagtala si Pringle ng mga averages na team-high 19.6 points, 4.6 rebounds at 4.8 assists sa PBA Finals.

Pinatumba ng Ginebra ang TNT, 4-1, sa kanilang best-of-seven championship series ng All-Filipino tournament.

Bagama’t sa Game One lamang ng PBA Finals nakapaglaro ay nanatili sa No. 1 seat si Ray Ray Parks Jr. ng Tropang Giga sa kanyang bitbit na 38.2 SPs kasunod sina No. 2 Calvin Abueva (37.1 SPs), ng Phoenix, No. 3 CJ Perez (35.7 SPs) ng Terrafirma, No. 4 Matthew Wright (35.65 SPs) ng Phoenix at No. 5 RR Pogoy (35.64 SPs) ng TNT.

Nagsimula na kahapon ang botohan para sa BPC award na pormal na ibibi­gay sa Enero 17 sa PBA Awards Night na gagawin via virtual.

Ang Top 25 ay ang mga official contenders para sa “Special Five”.

Bukod sa BPC award, ibibigay din ang Outstan­ding Rookie (kapalit ng Rookie of the Year), Outstanding/Elite Five (kapalit ng Mythical Team), Most Improved Player at Samboy Lim Sportsmanship Award.

GINEBRA TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with