^
Hidilyn bubuhat sa Asian Championships
Hidilyn Diaz
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

Hidilyn bubuhat sa Asian Championships

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na maipormalisa ang puwesto nito sa Olympic Games na gaganapin sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.

Para makuha ang T­okyo Olympics berth, kaila­ngan ni Diaz na lumahok sa Asian Weightlifting Championships na idaraos sa Tashkent, Uzbekistan sa 2021.

Isang International Weightlifting Federation (IWF)-sanctioned tournament na lamang ang kailangang salihan ni Diaz para maipormalisa ang tiket nito sa Olympics.

Bahagi ng requirements ang paglahok sa anim na IWF events ng Top 8 weightlifers sa world ranking para mag-qualify.

Sa kasalukuyan, may limang events nang nalahukan si Diaz. Nasa No. 2 ito sa world ranking sa women’s 55 kgs. division.

Attendance lamang ang habol nito sa Asian Weightlifting Championships na magsisilbi na ring tuneup tournament nito bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.

“Yung focus ko ngayon nasa Tokyo Olympics talaga. Maraming nangyari sa taong ito pero hindi ko ‘yun iniisip para hindi maapektuhan yung training ko at ‘yung mindset ko para sa Olympics,” ani Diaz.

Nasa matinding training camp si Diaz sa Malaysia kasama sina Chinese coach Kaiwen Gao at conditioning mentor Julius Naranjo.

Nireset ang training program ni Diaz matapos makansela ang Tokyo Olympics na idaraos sana noong Hulyo.

Kaya naman paniba­gong programa ang ginawa ng Team HD para masiguro na makuha ni Diaz ang peak form sa Tokyo Olympics na inilipat sa susunod na taon.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with