PSL status quo
Ayon kay PSL president Ian Laurel, wala munang balak ang PSL na maging professional league tulad ng ginawa ng Premier Volleyball League (PVL) na isa nang ganap na pro league.
STAR/ File

PSL status quo

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Ayaw muna maging pro

MANILA, Philippines — Muling iginiit ng pamunuan ng Philippine Superliga (PSL) na mananati­ling semi-professional ang status ng liga sa oras na magsimula ito sa susunod na taon.

Ayon kay PSL president Ian Laurel, wala munang balak ang PSL na maging professional league tulad ng ginawa ng Premier Volleyball League (PVL) na isa nang ganap na pro league.

Nauna na natalakay ang pagiging professional league ng PSL noon pang 2018 ngunit mas minabuti ng liga na manatiling semi-pro sa ngayon.

Sa 2021 season, tanging dalawang kumperensiya lamang ang target na idaos ng PSL — ang All-Filipino Conference at ang import-laden Grand Prix.

Wala muna ang Invitational Conference.

Sa halip, ibabalik ng PSL ang Collegiate Grand Slam para bigyan ang mga collegiate teams ng pagkakataon na magkaroon ng pre-season tournament.

Mananatili rin ang beach volleyball tournament.

Maliban sa 2021 season, pinaghahandaan din ng PSL katuwang ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. ang ilang international tournaments na nakalinya sa susunod na taon.

PSL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with