Pro fights makakatulong kay Marcial

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Sa pagsabak sa 2021 Tokyo Olympics

MANILA, Philippines — Ang maikakasang professional fights para kay national boxing team standout Eumir Felix Marcial ang makakatulong sa kanyang preparasyon para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kaya naman naghaha­nap ng laban si Sean Gibbons, ang presidente ng MP Promotions ni world eight-division champion Manny Pacquiao, para kay Marcial.

“I’m more concern like looking forward to 2021 Tokyo Olympics. We can squeeze one in December and get another one or two,” wika ni Gibbons kahapon sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum mula sa Los Angeles, California.

Nag-eensayo ang 24-anyos na tubong Zamboanga City sa Wild Card Boxing Gym ni Hall of Fame trainer Freddie Roach kasama sina Filipino assistant Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justine Fortune.

Nakasagupa na ni Marcial ang ilang bigating pro fighters ni Roach.

“Ang dami kong natutunan. Iba-ibang style ‘yung mga ka-sparring ko, may kaliwete at kanan,”ani Marcial. “Parang ganoon lang din sa Olympics na iba-iba ‘yung makakalaban natin. iba-iba ‘yung posisyon.”

Bukod kay Marcial, ang iba pang mayroong nang Olympic berth ay sina pole vaulter Ernest John O­biena, gymnast Carlos Edriel Yulo at Irish Magno.

Tumatarget dein ng ti­ket sa 2021 Tokyo Olympics sina national boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Rogen Ladon at Ian Clark Bautista.

PSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with