De Los Santos naka-24 gold na
Orencio James De Los Santos
STAR/File

De Los Santos naka-24 gold na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umariba na naman si Orencio James De Los Santos nang pagharian nito ang 5th SportData eTournament World Series.

Hindi maawat ang 30-anyos Cebuano nang payukuin si World No. 3 Domont Matias Moreno ng Switzerland sa pamamagitan ng 24.9-23.7 panalo sa kanilang championship showdown.

Ito ang ikaanim na gintong medalya ni De Los Santos sa buwan lamang ng Nobyembre at ika-24 kabuuan ng kanyang kampanya sa online tournaments.

Mas lalo pang tumatag ang kapit ni De Los Santos sa unang puwesto sa world rankings dahil mas malaki ang nakuha nitong puntos sa 5th SportData eTournament World Series.

Ang isang SportData World Series event ay nagbibigay ng mas malaking puntos (1,450 points) — halos apat na beses na mas malaki kumpara sa isang regular tournament na may 435 o 405 lamang.

“I’m widening the gap even further in the eKata world rankings since this e-tournament is nearly four times the amount of ran­king points. Forward is the only way to go,” ani De Los Santos sa kanyang post sa social media.

KARATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with