Muyang lalahok sa PBA Rookie Draft

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalagasan ang Colegio de San Juan de Letran sa lineup matapos magdesisyon si top gunner Larry Muyang na lumahok sa PBA Annual Rookie Draft.

May isang taon pang playing eligibility si Muyang na gagamitin sana nito sa Season 96 ng NCAA.

Subalit naudlot ang pagsisimula ng NCAA season dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Anu pa man ang mangyari, nagpasya na si Muyang na sumali sa rookie draft na magbubukas ng maraming pintuan para sa kanyang basketball career.

Hangad ni Muyang na magkaroon na ng sapat na pagkakakitaan upang matulungan ang kanyang mga magulang.

Ikinuwento ni Muyang sa isang ulat na driver ng isang dumptruck ang kanyang ama.

Plano ni Muyang na pahintuin na sa paghahanap-buhay ang kanyang mga magulang at akuin na ang responsibilidad bilang breadwinner ng pamilya.

Malaki ang kaibahan ng collegiate league sa PBA.

Allowance lamang ang ibinibigay sa mga college players maliban na lamang kung may malaking sponsor ang isang koponan na nagdaragdag ng pondo para sa mga student-athletes.

Sa kabilang banda, kung susuwertehin sa rookie draft, aabot sa milyon ang magiging pambuenamanong kontrata nito.

At sa pagpasok ni Muyang sa rookie draft, inaasahang maraming koponan sa PBA ang magkakainteres dahil maganda ang rekord nito sa NCAA.

Si Muyang ang itinanghal na Rookie of the Year noong Season 94.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with