Gumabao nagpaliwanag!
Gumabao nagpaliwanag!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

Tanggap ang kabiguan...

MANILA, Philippines — Binasag ni volleyball star Michele Gumabao ang katahimikan nito matapos magsulputan sa social media ang kaliwa’t kanang paratang na bitter ito matapos magkasya bilang second runner-up sa katatapos na Miss Universe-Philippines.

Nag-ugat ang lahat nang hindi masilayan si Gumabao sa unang appearance ng Miss Universe-Philippines winners matapos ang laban.

Bukod-tanging si Gu­mabao lamang ang wala sa unang activity ng Miss Universe-Philippines dahilan upang mabuo ang ilang haka-haka na hindi nito matanggap ang kanyang pagkatalo.

Agad namang naglabas ng statement si Gu­mabao sa pamamagitan ng Aces and Queens na siyang beauty camp nito nang magsimula itong pumasok sa pageant world.

Sa kanyang statement, ipinaliwanag na umalis agad si Gumabao sa Baguio Country Club na venue ng naturang pa­geant dahilan para hindi ito makasama sa unang appearance ng Miss Universe-Philippines winners.

“I left this morning sa Baguio Country Club while the pageant was ongoing. I knew who won last night pa. I tried to go to our vie­wing party but e­veryone kept asking what happened. All the hugs, all the looks, I couldn’t handle that,” ani Gumabao.

Sinagot din ni Gumabao ang akusasyong hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo.

Ayon kay Gumabao, bilang isang volleyball player, naramdaman na nito ang manalo at matalo sa laban kaya’t alam nito kung paano harapin ang kabiguan.

Tatlong beses na itong nagkampeon sa UAAP habang nagkampeon na ito sa ilang commercial leagues. Sa kanyang volleyball career, hindi naman parating nananalo dahil maraming beses na rin itong nakalasap ng kabiguan.

MICHELE GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with