Indefinite suspension inalis na
Calvin Abueva
STAR/ File
Indefinite suspension inalis na
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

‘The Beast’ magbabalik na! Si Calvin Abueva sa practice ng Phoenix.

MANILA, Philippines — Natapos na ang halos 16 buwan na kalbaryo ni Calvin Abueva.

Inihayag kahapon ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pag-aalis ng indefinite suspension sa tinaguriang ‘The Beast’ sa kasagsagan ng 2020 Philippine Cup sa ‘bubble’ sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga.

Kaagad mapapanood ang paglalaro ng 6-foot-2 na si Abueva sa pakikipagtuos ng Phoenix laban sa NLEX ngayong alas-4 ng hapon sa Angeles University Foundation Gym.

Pinatawan ang 32-an­yos na small forward ng PBA ng indefinite suspension noong Hunyo ng 2019 matapos ang kinasangkutang on-court events kasama ang pambabastos sa nobya ni dating Blackwater rookie Ray Ray Parks Jr. at ang pagtira kay TNT Ka­tropa import Terrence Jones sa Commissioner’s Cup.

“Tuwang-tuwa siya at sabi niya gagawin niya ang lahat matapos siyang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na makalaro sa PBA,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial kay Abueva.

Nauna nang napunan ng 2013 PBA Rookie of the Year ang inilatag na requirements ni Marcial para muli siyang makapaglaro.

Ang ilan rito ay ang pag­gawa ng community ser­vice, pagsailalim sa drug tests, at counselling at pagkumpleto sa isang seminar ng Games and Amusements Board (GAB) para muli niyang makuha ang kanyang professional license.

Sa pagpasok ng mga koponan sa PBA ‘bubble’ ay pinayagan ni Marcial si Abueva na mapasama sa 15-man line-up ng Fuel Masters para sa 2020 PBA Philippine Cup.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with