NBA magbabalik-aksyon sa December 22
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Sariwa pa ang NBA sa matagumpay na pagtataguyod ng season nito sa isang bubble setup sa Walt Disney World sa Orlando, Florida kung saan nagkampeon ang Los Angeles Lakers.

Ngunit ngayon pa lang, pinaplantsa na agad ang pagbubukas ng susunod na season ng NBA.

Puntiryang magbalik-aksyon ng liga sa Disyembre 22 — ilang araw bago ang Pasko — kaya’t muling nag-init ang mga NBA fans sa panibagong aabangan sa pagtatapos ng taon.

Nasa plano ang pagsasagawa ng 72-game season kung saan target ng liga na matapos ito bago ang Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Ayon sa ilang ulat sa Amerika, nagsisimula na ang diskusyon sa pagitan ng mga players at owners para sa naturang plano.

Inaasahang maglalabas naman ng opisyal na statement ang NBA para bigyan ng update ang lahat sa planong pagbabalik-aksyon sa Disyembre.

Wala pang balita kung idaraos pa rin ito sa isang bubble setup o gaganapin na ito sa regular na venue sa ilalim ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Hindi pa rin malinaw kung pahihintulutan nang makapanood ang live audience sa mga venues na ga­gamitin.

Naging matagumpay ang NBA restart dahil isi-nagawa ito sa isang bubble setup sa Florida.

Sumailalim sa mahigpit na health at quarantine pro­tocols ang lahat bago makapasok sa bubble.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with