PFL hahataw na sa Linggo

Iniskoran ni TNT Katropa guard RR Pogoy si Black­ water big man Frank Golla
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Handa na ang lahat para sa pagba­balik-aksyon ng 2020 Philippines Football League (PFL) na nakatakdang umarangkada sa Linggo sa Philippine Football Federation (PFF) national training center sa Carmona, Cavite.

Pasok na sa isang bubble setup ang anim na koponan na magtatagisan para sa koponan ng PFL.

Ito ay ang United City FC, Kaya FC, Stallion FC, Mendiola FC, Maharlika Manila FC at ang Azkals Development Team.

Ang Seda Nuvali Hotel sa Sta. Rosa, Laguna ang magiging tahanan ng mahigit 190 players, officials, team staff at media na nasa loob ng bubble.

Bago pumasok sa bubble, sumailalim muna ang lahat sa mandatory swab tes­ting bilang bahagi ng health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Right, now it’s all system go for the league’s opening. All participating teams have already check-in in hotel closed to the facility,” ani Program Head Yanno Ibarreta sa guesting nito sa ‘Usapang Sports’ on Air ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ng Sports On Air.

Mapapanood ang mga laro sa iba’t ibang online platforms ng PFL sa tulong ng EXPTV Cable Channel na siya ring magpapalabas ng mga laro sa Eagle Vision CATV Network Channel 80.

Tatlong laro agad ang masisilayan sa opening day pa lamang ng torneo.

Unang papalo ang bakbakan ng Azkals at Mendiola sa alas-9 ng umaga habang masisilayan naman ang salpukan ng Stallion-Laguna at Kaya-Iloilo sa alas-4:30 ng hapon.

Huling aariba ang duwelo ng United City FC at Maharlika Mania FC sa alas-8:30 ng gabi. (Chris Co)

Show comments