PBA referee positibo sa COVID-19
Si Aljon Mariano ng Barangay Ginebra habang nagpapa-test sa loob ng bubble bago ang restart. (
Clark file photo
PBA referee positibo sa COVID-19
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Clark Bubble nakaalerto

MANILA, Philippines  — Ito ang iniiwasan at kinatatakutang mangyari ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Ayon sa liga, nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isa nilang referee habang kasalukuyang inilalaro ang 2020 Philippine Cup sa ‘bubble’ sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga.

Ipinagbigay-alam kay Marcial ang nasabing resulta 24 oras matapos sumailalim ang nasabing game official sa mandatory swab test kasama ang 27 pang iba noong Oktubre 19.

Ang unang tatlong swab test ng referee ay negatibo ang resulta.

Sinabi ni Marcial na dinala ang naturang game official sa Athlete’s Village sa Capas, Tarlac para mag-quarantine habang ang mga tao namang nakasa­lamuha nito ay ilalagay sa isolation facility.

Muli silang daraan sa swab test sa Oktubre 24.

“The person is now under quarantine at the Athlete’s Village while his 1st and 2nd layer contacts are under strict isolation,” wika ng PBA sa isang statement. “The suspect case will be tested today and will be under strict observation. The person’s 1st and 2nd layer contacts, meanwhile, will be retested on October 24 – Saturday.”

Mahigpit na ipinatutupad ng PBA ang kanilang health at safety protocols sa loob ng ‘bubble’ katuwang ang PBA medical team, Clark Development Corporation (CDC) at Department of Health (DOH).

Magpapatuloy ang mga laro ng torneo kasabay ng lalo pang paghihigpit sa kanilang protocols.

Bilang bahagi ng protocol, ay sinuspindi ng liga ang pagsabak ng mga pla­yers, coaches at team staff sa swimming, gym, jogging at iba pang physical activities para sa pagsasagawa ng sanitasyon.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with