PSL beach volley papalo sa November
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Handa na ang lahat para sa pagtataguyod ng Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup Beach Volleyball Tournament sa Nobyembre 26 hanggang 29 sa Subic.

May 16 na koponan ang magtatagisan sa edis-yong ito.

Nangunguna sa listahan ang Petron, Cignal, Chery Tiggo, F2 Logistics, Generika-Ayala, Sta. Lucia, Marinerang Pilipina at PLDT Home Fibr.

Ngunit nagpadala rin ang liga ng imbitasyon sa iba pang commercial teams na nagnanais lumahok sa three-day event.

Posibleng lumahok sina beach volley queens Sisi Rondina at Bernadeth Pons na kasalukuyan nang nasa Creamline beach volley squad.

“We are open to the idea of welcoming teams outside the PSL so we could come up with a competitive and exciting tournament,” ani PSL chairman Philip Ella Juico.

Tiniyak naman ni Juico na ipatutupad ang matin-ding health protocols sa torneo upang masiguro na ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang PSL beach volley event ang kauna-unahang volleyball tournament na binigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Bumuo na rin ang PSL ng medical commission na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng health at safety protocols katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang IATF.

Sasailalim sa swab tes-ting ang lahat ng players, coaches, league officials, media at iba pang perso-nalidad bago pumasok sa bubble.

PSL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with