^

PSN Palaro

Thompson tuloy ang workout sa bubble

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Thompson tuloy ang workout sa bubble

MANILA, Philippines — Walang tigil sa workout si Barangay Ginebra star Scottie Thompson kahit pa nasa loob ito ng PBA Season 45 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

Kundisyon na kundisyon ang katawan ni Thompson na resulta ng pagsisikap nito sa training at workout.

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas matapos ang 105-91 panalo  ng Barangay Ginebra sa Meralco noong Linggo, agad na tumulak sa gym si Thompson.

Kasama nito ang katropang si Aljon Mariano.

Tuloy ang workout nina Thompson at Mariano sa gym kung saan nasilayan pa ang dalawa na nagbubuhat ng weights.

Sinamantala nina Thomp­son at Mariano ang pagwo-workout sa gabi dahil bihira ang mga pla­yers na nagtutungo sa gym ng mga ganung oras.

Solong-solo nina Thompson at Mariano ang gym kaya’t mas lalong na­ging inspirado ang dalawa.

Sa kanilang sakripisyo, umaasa sina Thompson at Mariano na magreresulta ito sa magandang laro para tulungan ang Gin Kings sa kampanya nito sa Philippine Cup.

vuukle comment

SCOTTIE THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with