^

PSN Palaro

Clark bubble aprub sa players, coaches

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakakuha ng positibong reaksiyon ang Clark bubble na magiging venue ng pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 Philippine Cup simula sa Oktubre 11.

Isa-isang dumating sa Clark ang mga koponan at masaya ang mga players, coaches, officials at team staff dahil organisado ang lahat nang nadatnan nito sa venue.

Pasadong marka ang ibinigay ni Magnolia Hotshots player Rafi Reavis sa Day 1 nito sa bubble.

Hanga si Reavis sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols gayundin sa magandang pamama­lakad sa Quest Hotel na magiging tahanan ng lahat ng papasok sa bubble.

“Day 1 in “The Bubble” in the books! Quest Hotel has been on point all day. Very strict protocols, well- organized, proficient staff, great food (of course it’s Pampanga) and very accommodating,” ani Reavis sa kanyang post sa social media.

Saludo ito sa pamu­nuan ng PBA at Quest sa maayos na organisasyon ng lahat ng kailangan sa bubble.

“Looking forward to Day 2 and how breakfast will be. Great job Quest and PBA,” ani Reavis.

Ganito rin ang pananaw ni Magnolia coach Chito Victolero. “Thankful sa PBA sa effort na ginagawa nila para matuloy ang liga,” ani Victolero.

Maaari nang magsi­mula ng scrimmages ang mga koponan sa oras na mag-negatibo ang lahat ng players sa isinagawang swab testing sa Clark.

Maliban sa Magnolia, nasa Clark na rin ang lahat ng koponan na maglalaban-laban para sa Philippine Cup crown — ang pinaka-espesyal na korona na makukuha sa gitna ng pandemya.

Kasama ng Magnolia sa first batch ang TNT Tropang Giga, Terra Firma Dyip, Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters habang nasa second batch ang Barangay Ginebra, Alaska, NLEX, Blackwater, Rain or Shine, NorthPort at defending champion San Miguel Beer.

vuukle comment

CLARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with